Showing posts with label Willing Willie. Show all posts
Showing posts with label Willing Willie. Show all posts

Willie wins vs. ABS-CBN for now

Willing_Willie, Willie wins vs. ABS-CBN for now
Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ng ABS-CBN para agad na maipatigil ang pagpapalabas ng Willing Willie, ang variety-game show ni Willie Revillame sa TV5.

Ayon sa report ng Philippine Star noong Lunes, November 1, hindi pinagbigyan ng CA ang petisyon ng Kapamilya network na patawan agad ng temporary restraining order (TRO) ang Willing Willie.

Sa three-page resolution na sinulat ni Associate Justice Priscilla Baltazar-Padilla, binigyan muna ng limang araw ang kampo ni Willie para sagutin ang petition ng ABS-CBN.

Binigyan din ang network ng lima pang araw upang sagutin ang magiging komento ni Willie.

Isinampa ng ABS-CBN ang TRO laban kay Willie noong October 4 sa Quezon City Regional Trial Court. Ayon sa network, nakapirma pa ang TV host sa kanila ng kontrata hanggang September 2011 kaya't hindi siya dapat gumawa ng programa o lumabas sa ibang network.

Matatandaang hindi naglabas ng desisyon hinggil sa TRO si Judge Luisito Cortez ng QCRTC Branch 84 noong October 8 hearing. Ayon kay Judge Cortez, sa pagtatapos ng Oktubre pa siya maglalabas ng desisyon.

Dahil dito, nagsampa muli ang ABS-CBN ng petisyon sa QCRTC noong October 15 upang mapabilis ang desisyon ni Judge Cortez. Ayon sa ABS-CBN, dapat maibaba na ang TRO bago pa maipalabas ang premiere ng Willing Willie noong October 23.

Ngunit nabigo muli ang ABS-CBN na makakuha ng TRO. Ayon kay Judge Cortez, hindi napatanuyan ng network na may "urgent need" para maglabas ang korte ng desisyon bago ang premiere ng show ni Willie.

Dahil dito ay dumiretso na ang ABS-CBN sa CA.

Matagumpay naman ang launch ng Willing Willie noong October 23. Tuwang-tuwa ang host ng programa, pati na rin ang staff, nang tuluyan na ngang mai-ere ang kanilang primetime program.

Sa ngayon ay magdadalawang-linggo nang umeere ang Willing Willie. Ayon sa data mula sa AGB-Nielsen, pangatlo ang Willing Willie sa ratings noong October 29, with 8% audience share.

Nangunguna rito ang 24 Oras ng GMA-7 with 10.8% audience share, at pangalawa ang TV Patrol ng ABS-CBN with 9% audience share.

Sa data naman mula sa Kantar-TNS, pangatlo pa rin ang Willing Willie sa ratings noong October 29 with 10.1% audience share.

Nangunguna naman dito ang TV Patrol with 26.2% audience share, at pangalawa ang 24 Oras, with 19.2% audience share.

Nagsimula ang gulo sa pagitan ni Willie at ng network noong May 4 nang bantaan ni Willie ang management ng ABS-CBN na magre-resign siya mula sa programang Wowowee kung hindi mapapatalsik ang showbiz commentator na si Jobert Sucaldito.

Matapos nito, hindi na lumabas si Wilie sa nasabing programa hanggang napalitan ito ng Pilipinas, Win na Win noong July 31.

Noong August 9, nagpa-presscon naman si Willie upang i-announce ang pagpapaalam niya sa ABS-CBN. Nagsampa rin si Willie ng kaso laban sa ABS-CBN upang matapos na ang kanyang kontrata.

Ayon naman sa ABS-CBN, hindi puwedeng tapusin ni Willie ang kanyang kontrata dahil ang network daw ang "aggrieved party."

Venus Raj says Willie Revillame has asked her to be his co-host in Willing Willie

Miss_Universe-Philippines_Venus_Raj

With her newfound fame, after finishing 4th runner-up in the Miss Universe 2010 pageant, Maria Venus Raj's career threatens to go on high speed.

She is not only modeling, she may also end up hosting Willing Willie, the hottest entertainment program lodged on what is traditionally primetime news hour.

Last Saturday, October 30, Venus Raj strutted alongside two other beauty queens—Ms. Earth 2004 Priscilla Meirelles and Bb. Pilipinas-Universe 2009 Bianca Manalo—in the high-profile Philippine Fashion Week's "Leeberation Day," at the SM Mall of Asia Atrium.

After the show, Venus reveals an even bigger gig. She tells PEP (Philippine Entertainment Portal) that, yes, she is being eyed to be co-host to Willie Revillame in his new evening program, Willing Willie, on TV5.

She confirms that Willie himself followed up on the hosting offer recently.

"Nagkita kami before, kasi may isang fashion show akong dinaluhan. And then nagkita kami, and then sinabi niya, 'O, kumusta na yung offer?'. Sabi ko, 'Hala! hindi ko pa po alam, depende po sa Bb. Pilipinas.

"Sinabi ko na hindi lang naman ako 'yung magde-decide about that kasi nakakontrata ako with Bb. Pilipinas Inc., so lahat po ng decision-making magshe-share kami, parang ganun."

She adds that there is as yet no official word on the outcome of the offer, but she believes that the Bb. Pilipinas Corporation Inc. (BCPI) management and Willie's camp are already communicating with each other.

" I think iwo-work out naman nila," Venus tells PEP.

The 20-year-old Bicolana beauty admits she is overwhelmed with Willie's offer.

"Overwhelming sa part ko 'yon. Imagine, marami namang kababaihan sa bansa natin na sikat. pero kino-consider niya ako na maging isa dun. It's an honor for me!"

NEW LIFE. With the 360-degree turn in her life, from her simple quiet life in Bato, Naga, to the frenzied life of a celebrity, Venus agrees that her new life is a little more complicated.

"Mas complicated ang buhay? In a way, in a way. Siguro, oo, pero alam mo 'yon, I'm still trying my best to manage everything na lumabas na maganda at maayos."

Venus's family, used to the quiet of the ricefields they tend, are also slowly getting used to the celebrity status of their beauty-queen daughter.

"Medyo naninibago pa sila, pero alam ko na makaka-adjust sila."

As for her lovelife, Venus says it is yet to come.

"Sana nga. Sana nga. Honestly, wala, e. Pero, I don't know. I don't know. Kung nagpaparamdam, oo, meron, pero hindi ganun ka seryoso ang dating," the beauty queen smiles.

She also agrees that men might be intimidated with her newfound title.